noong mga nakaraang linggo, umakyat ng banaue si S. nagtext sa akin: "miss kita, iniisip kita, malamig dito, sana kasama kita."
pagkababa niya, nagkita kami, at binigyan niya ako ng kopya ng kanilang diyaryo. pag-uwi ko sa bahay, iniabot ko sa tatay ko para basahin niya. tapos nakalimutan ko na icheck yung artikulo niya doon.
kahapon, nakita ko yung diyaryo sa kwarto ng anak ko at tinignan ang mga pahina. may artikulo siya dun sa banaue. nakalagay sa byline, ang nagsulat, silang mag-asawa.
ang labo. gusto ko tuloy irolyo yung diyaryo niya at ipukpok sa ulo niya. imbyerna.